Ang
Pagpapakahulugan sa gMalaysiah
Donna J. Amoroso
Cheah Boon Kheng
Malaysia: The Making of a Nation
Singapore / ISEAS / 2002
Farish A. Noor
The Other Malaysia: Writings on Malaysiafs Subaltern
History
(Ang Ibang
Malaysia: Mga Sulatin Hinggil sa Kasaysayang Sukob ng Malaysia)
Kuala Lumpur / Silverfishbooks / 2002
Ang mga nakaraang kaganapan sa Malaysia—ang kilusang reformasi, ang paglilitis kay Anwar Ibrahim, ang pag-agnas ng lehitimasya ng namumunong partido (UMNO), ang lumalaking hamon ng Islam sa estadong sekular at debelopmentalista—ay lumikha ng nakatutulong na gdislokasyonh sa pambansang naratibo na nagbibigay-daan sa mga pagmumuni-muni hinggil sa mga pundasyon at kahulugan ng bansa-estado. Ang dalawang aklat na ito, bagamaft nagkakaiba sa istilo, layunin, at mambabasa, ay kumukuha rito bilang paksa at samakatwid ay humaharap sa makapangyarihang diskursong sosyo-pulitikal na nalikha sa pamamagitan ng praktika ng estado at akademya.
Naghahain si
Cheah Boon Keng ng paliwanag sa ebolusyon ng bansa sa praktika sa pamamagitan
ng mahigpit na pagtutuon sa pulitikang elektoral, ang mga punong ministro, at
patakarang pambansa. Inaanalisa ni
Cheah ang Malaysia sa pamamagitan ng prism
ng ggive and take,h sinusuri ang naghaharing tensyon sa pagitan ng Malayong
etno-nasyonalismo at sa mas malawak na nasyonalismong Malaysiano. Ang pangunahing argumento niya ay ang
bawat isa sa apat na punong ministro ng bansa ay gnagsimula
bilangcekslusibistang nasyunalistang Malayo subalit naging inklusibistang nasyunalistang Malaysiano.h Sapagkat apat na beses itong naganap sa
kasaysayan ng bansa, maaaring mahinuha na ang bansa-estado ay lumikha ng sarili
nitong lohika. Ang Ketuanan Melayu (dominasyong Malayo sa
pulitika), para sa mambabasa, ay nandirito na, subalit ay nalilimitahan ng
lohikang ito. Iginigiit ng aklat ni
Cheah ang katotohanan ng isang multikultural at mapag-ubayang Malaysia.
Ang itinipon na
mga sanaysay ni Farish Noor ay may napakaibang agenda—ang hanapin ang bansa na
maaari sanang nabuo at maaari pa ring mabuo. Nagsusulat siya nang lihis sa direksyon
ng linyar na paliwanag upang suriin ang gibang mga Malaysiah na naisantabi ng
gkwento ng multiracial na Malaysia na
palagi nating sinasabi sa ating sarili.h
Kung saan kinikilala ni Cheah na ang paksyunalismo sa loob ng pamayanang
Malayo ay palaging nagbabanta sa pangungunang Malayo, tinitignan ni Farish ang
mismong pagpipilit na ipatupad ang pagkakaisa bilang pangunahing
suliranin. Itinutukoy niya rito ang
hindi mabuting epekto ng gpyudalismoh ng UMNO—ang pag-iisip na hindi kayang
mabuhay ng mga Malay nang walang pinunong-patron—at, kasabay nito, ang
Islamistang pag-eesensyalisa sa kulturang Malayo sa isang mababaw na moralismo
na hindi kumikilala sa yaman at pagkasalimuot ng kasaysayang Malayo.
Ang Malaysia ni
Cheah Boon Keng ay isang maingat na sisidlan ng pagkakaiba, maging sa loob at
labas ng mga pamayanang etniko. Si
Farish Noor naman ay nakakikita, hindi ng mga nagsasariling identidad, kundi ng
mga multiplisidad na sinisikap niyang hanguin mula sa nakaraan at bigyan ng
lehitimasya sa kasalukuyan.
(Translated by
Sophia Guillermo.)